Ni Rommel P. Tabbad
LEGAZPI CITY - Aayudahan ng Department of Agriculture (DA) ang mga residenteng naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Nilinaw ni Provincial Veterinarian Dr. Florencio Adonay, na hinihintay na lamang nila ang pipirmahang memorandum of agreement upang tuluyang maipatupad ang programang pagbibigay ng iba’t ibang hayop sa libu-libong residente.
Tiniyak din nito na dadaan pa rin sa bidding process ang pagpili ng supplier na magsu-supply sa kanila ng mga manok, kambing, kalabaw at iba pa.
Isinagawa ng ahensya ang nasabing hakbang nang makatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta na ng mga alagang hayop ang mga pamilyang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Mayon dahil wala na silang panggastos sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.
Inaasahang tatagal ng tatlong buwan ang livestock recovery program ng DA.