Ni Bert de Guzman

Tiniyak ni Cagayan de Oro City Rep. Maximo Rodriguez, chairman ng House Committee on Mindanao Affairs, na tataasan nila ang 2019 budget ng Mindanao, ang home province ni Pangulong Duterte.

Aniya, pinag-aaralan na ng technical working group (TWG) ng komite ang budget adjustment ng rehiyon upang maiangat ang kondisyon o socio-economic conditions nito, partikular ang mahihirap na mga probinsiya.

Dagdag pa ni Rodriguez, maliit na porsiyento lamang ng budget ang natatanggap ng Mindanao, kumpara sa budget ng iba’t ibang ahensiya at departamento ng pamahalaan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa pulong na pinamunuan ni Committee vice-chairman Rep. Peter Unabia (1st District, Misamis Oriental), iniharap ng mga opisyal ng Department of Tourism (DoT) ang Tourism Road Infrastructure Program (TRIP), na pinag-isang programa ng DoT at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa rehabilitasyon ng mga kalsadang patungo sa mga tourist destination upang mahikayat ang mga turista na bumisita sa nasabing mga lugar.