Ilalabas na ng Korte Suprema ang resulta ng Bar examinations noong nakaraang taon sa Abril 26.

Ito ay matapos ang special en banc session ng mga mahistrado para talakayin at pagdesisyunan ang resulta.

Sa sandaling matukoy ang passing rate, makikita ang pangalan ng mga nakapasa sa screen na itatayo sa harapan ng Korte Suprema sa Padre Faura Street, sa Ermita, Maynila.

Ilalagay din ang resulta sa website ng Korte Suprema, sa sandaling maianunsiyo ni Justice Lucas Bersamin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aabot sa 7,227 ang pinayagang kumuha ng exam noong magkakasunod na Linggo ng Nobyembre, ngunit sa unang araw ng exam, 6,759 lamang ang dumating, at 6,750 naman ang nakakumpleto.