Ni Jun Ramirez

Hindi na lalagpas sa office hours ng Abril 16 ang deadline sa paghahain ng 2017 income tax returns (ITR) ng individual at corporate taxpayers, idiniin ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

“Penalties for late filing will be imposed to those who filed returns after 5pm,” sabi ni BIR information chief Reymarie T. De La Cruz.

Ayon kay De La Cruz, ang multa ay 25 percent surcharge sa babayarang buwis at 20% interest, bukod sa naaayong compromise penalties.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Sa nakalipas, tinanggap ng BIR ang returns paglagpas ng alas singko ng hapon, basta’t nasa loob ng bisinidad ng tax filing centers ang taxpayers.

Ang taxpayers na hindi na maipoproseso ang returns ay binigyan ng stubs para magbalik sa susunod na araw at ihain ang mga ito nang walang penalty.

Samantala, nagbabala ang BIR na magpapataw ito ng sanctions laban sa mga piling taxpayer na hindi naghain ng kanilang returns sa pamamagitan ng electronic filing at payment system (eFPS).

Ayon dito ang offenders ay pagmumultahin ng hanggang P1,000 per return at 25% surcharge sa tax due alinsunod sa Revenue Regulations 5-2015.

Ilalagay din sila sa top priority para imbestigahan.