Ni Mar T. Supnad
Habang pinag-iisipan ng Department of National Defence na bumili ng mas maliliit na gunboat para sa sandatahang lakas, inimbitahan ng isang lokal na imbentor sina Pangulong Rodrigo Duterte at DND secretary Delfin Lorenzana na tingnan ang naimbento niyang matibay at “unsinkable speedboat” na binuo sa loob ng Freeport Area of Bataan( FAB).
Isang kilalang Naval architect at Marine engineer sa Mariveles, Bataan si Realito Rubia, na nakaimbento ng speed boat para sa iba’t ibang gamit at hindi kayang ilubog ng 1,000 bala.
“I am proud to announce to the public about it, so I am inviting our president to personally witness our locally invented and assembled boat that can be used by our Phil Navy, Maritime police, Bantay Dagat in patrolling our coastal areas and running after lawless elements along high seas,” ani Rubia.