WASHINGTON/BEIRUT (Reuters) – Nagbabala si U.S. President Donald Trump sa Russia nitong Miyerkules sa napipintong military action sa Syria kaugnay sa pinaghihinalaang poison gas attack, nagdeklara na paparating ang mga missile at binatikos ang Moscow sa pagkampi kay Syrian President Bashar al-Assad.

Ang tweet ni Trump ay reaksiyon sa babala ng Russia na ang anumang missiles na pakakawalan ng US sa Syria kaugnay sa madugong pag-atake nitong Sanado sa bayan ng Douma malapit sa Damascus ay pababagsakin at tatargetin ang launch sites.

“Russia vows to shoot down any and all missiles fired at Syria. Get ready Russia, because they will be coming, nice and new and ‘smart!’,” isinulat ni Trump sa Twitter.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“You shouldn’t be partners with a Gas Killing Animal who kills his people and enjoys it,” tweet ni Trump, na ang tinutukoy ay ang alyansa ng Moscow kay Assad.

Bilang tugon, sinabi ng Russian foreign ministry na: “Smart missiles should fly towards terroris