Ni ANNIE ABAD

IPINABABALIK ng Philippine Sports Commission (PSC) ang halagang 3.2 milyong piso na binigay sa Philippine Karatedo Federation (PKF) bilang allowances nang mga atleta sa pagsasanay sa Germany sa nakalipas na taon.

NAKAMUWESTRA sa pamosong ‘Digong fist) sina (mula sa kaliwa) Atty. Toto Africa ng PSC Task Force, Atty. Jon Caguiat, PSC Commissioner Ramon Fernandez at NBI representative matapos ang pagpupulong kahapon hingil sa kasong isasampa laban sa mga opisyal ng Philippine Karate-do Federation. (PSC PHOTO)

Ang kahilingan ay kasabay sa kasong ‘malversation’ laban kay PKF secretary-general Raymond Lee-Reyes, ayon kay Fernandez matapos ang pakikipagpulong sa mga legal counsel at kinatawang ng National Bureau of Investigation (NBI).

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Nag-ugat ang nasabing usapin nang tahasang magreklamo ang pitong miyembro ng Karate-do na umano’y hindi nakatanggap nang tamang allowances na aprubado ng PSC. Sa record at sa liquidation report ng PKF, tumanggap ng tig-US$1,8000 ang pitong atleta, ngunit sa sinumpaang-salaysay ng mga ito tanging 450 Euros lamgn umano ang ibinigay sa kanila ni Reyes.

Ayon kay Fernandez, kailangang maibalik ang nawawalang pondo sa PSC. “The liquidation is a farce,” pahayag ni Fernandez.

“Even if Lee pays up, the criminal charges simply won’t go away,” aniya.