Ni Jun Fabon

Muling binuhay ang alyansa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine Ports Authority (PPA), upang matuldukan ang paglusot ng ilegal na droga sa mga pantalan sa bansa.

Nilagdaan kahapon nina PDEA Director General Aaron N. Aquino at PPA General Manager Jay Daniel R. Santiago ang isang memorandum of agreement (MOA), na layuning ayusin ang kooperasyon at koordinasyon sa trabaho at pabilisin ang prosekusyon sa mga taong sangkot sa mga kaso sa seaports.

“Under the agreement, the two parties are enjoined to continue utmost cooperation and coordination to conduct an intensive and unrelenting campaign against drug smuggling while encompassing the organized and systematic implementation of both the anti-drug and ports laws,” ani Aquino.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Karugtong ng MOA ang dating kasunduan sa pagitan ng PDEA at ng PPA na pinirmahan noong Nobyembre 7, 2012.

Kasama sa kasunduan ang karagdagang mga probisyon ng PPA, na magkaroon ang PDEA ng espasyo sa mga opisina sa mga pangunahing pantalan sa bansa.

Sa nabanggit na kasunduan, bubuo ang ahensiya ng PDEA Seaport Interdiction Units sa 13 pangunahing PPA-controlled seaports sa buong bansa, kabilang ang K9 units at lugar para sa K9 kennels.

Aniya, ang mga operatiba na nakatalaga sa interdiction units ay tututok din sa mga kargamento na pumapasok sa bansa, na isasailaim sa ports’ X-ray technicians.

Pangungunahan ng PDEA ang joint investigation sa mga kaso, na sakop ng anti-drug operations sa pantalan, at magkakaroon ng pagsasanay ang PPA K9 units sa illegal drug detection upang palakasin kakayahan ng mga ito.