GUMAWA ng malaking ingay ang pambato ng Isabela na si David Malgapo matapos niyang sungkitin ang panalo kontra sa pinagmamalaki ng Bulacan na si Wenson Reyes sa premyadong kids 65cc 12 and below ng 2018 Mayor Christian Natividad Mini Motocross Series sa Malolos Sports and Convention Race Track.

Malakas ang simula ni Malgapo na kinuha ang ‘’hole shot’’ upang manguna mula una hanggang sa pagtatapos ng karera.

Nagwagi si Malgapo bagamat nagpapagaling pa sa nabaling braso na kanyang natamo noong nakaraaang Pebrero.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

Naisalba ni Reyes ang ikalawang puwesto matapos ang determinadong paghabol. Inungusan niya si Zan Mamaril na bumama sa ikatlong puwesto. Hindi naman nabokya si Reyes na nagwagi sa kids 85cc 12 and below samantalang numerouno ang kanyang ate na si Quiana sa all girls 14 and below.

“We now have 1-1 for both Malgapo and Reyes in the premier class. On Saturday, we are going to declare the rider of the year of the series. Whoever wins the finale will be the overall champ,’’ sabi ni Mx Messiah Fairgrounds Academy Director Sam Tamayo.

Nagwagi sa ikalawang sunod pagkakataon si Xy Maximo sa kids 50cc 7-8 years old at sa the All Girls division 9 and below. May tig-dalawang panalo na rin sina Joshua Tamayo ng Yamaha PW50 (age 4-6), Christopher Mercado ng Yamaha PW50(age 8 and younger) at Kids 65cc (age 7-9), Kevin Clint Bernardo ng kids 50cc (age 4-6) at Tj Villalon ng kids 50cc (age 8 and below).