PINAGHARIAN ni Lyceum of the Philippines University (LPU) Manila top gunner Jonathan Maca Jota ang katatapos na Knights of Columbus blitz chess tournament na ginanap sa Knights of Columbus Council 4288 sa compound ng Our Lady of Loreto Parish sa Sampaloc, Manila nitong Linggo.

Nakalikom si Jota ng 5.5 puntos, iskor din ng naitala ng kanyang team mate na si LPU bet Romulo Curioso Jr. pero nakopo ng una ang titulo sa bisa ng mas mataas na tie break sa huli sa event na nagsilbing punong abala Ang Chess Player at ni Congressman Edward Maceda, aktibong miyembro ng Knights of Columbus Council 4288 at kaagapay si kagawad Katy Adonis Lagnada ng Barangay 398 Zone 41 kung saan ipinatupad ang five minutes, five seconds delay format ayon kay tournament director Christopher “Kuya Chris” de Guzman. Si Joel Tatad ng Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP) ang nagsilbing Chief Arbiter.

Magkasalo naman sa ika-3 hanggang ika-4 na puwesto matapos makapagkamada ng tig 5.0 puntos sina Christian Mark Daluz at Kevin Mirano. Magka-agapay naman sa ika-5 hangang ika-6 na puwesto na may tig 4.5 puntos sina Walt Allen Talan at Genghis Katipunan Imperial. Ang paboritong si Sherwin Tiu ay nakaipon ng 4.0 puntos para manguna sa ika-7 hanggang ika-9 na puwesto kasama sina Jan Francis Mirano at Rolly Parondo Jr. Nasa ika-10 hanggang ika-11 na puwesto na may tig 3.5 puntos sina Don Tyrone delos Santos at Marco Jay Mabasa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!