Ni Marivic Awitan

MANATILING mapagkumbaba at nakayapak ang mga paa sa lupa sa gitna ng mga tinatamasa nila ngayong mga biyaya.

Ito ang simpleng mensaheng ipinaabot ni San Miguel Corportation president Ramon S. Ang sa mga miyembro ng 4-time PBA Philippine Cup champion San Miguel Beermen sa naganap na victory at thanksgiving party ng koponan noong Martes ng gabi sa SMC compound sa Mandaluyong City.

Kasabay ng nasabing paalala ang panalangin na sana’y patuloy na pägpalain ang Beermen upang makamit nitong muli ang Grand Slam.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hawak ng Beermen ang tsansa na maulit ang kasaysayan matapos ang kanilang makasaysayang pagwawagi ng Philippine Cup sa ika-4 na sunod na pagkak as taon. Huling nagwagi ang Beermen ng Grand Slam noong 1989 sa pamumuno ng dating 4-time MVP na si Mon Fernandez..

“Pinagdadasal po natin na sana manalo ho tayo ng…Grand Slam,” pahayag ni Ang.

“Pinapakiusapan ko yung mga players natin at coaching staff na kung pupuwede na tayong lahat, medyo relax lang tayo at pasalamat tayo sa Diyos na binigyan tayo ng swerte, nagbigyan tayo ng pagkakataon na manalo ngayong conference na ‘to,” aniya.

“Pero hindi pa tapos ang trabaho niyo. Kailangan maganda pa ang ipakita natin sa dalawa pang conference para itong taong ito, talagang maganda ang kalalabasan.”