Ni Reggee Bonoan

PAGKA-ANNOUNCE na tapos na ang kontrata ni Derek Ramsay sa TV5 nitong Martes, Abril 10 ay nagpasya ang aktor at manager niyang si Jojie Dingcong na hindi na mag-renew.

Derek, Chot Reyes at Jojie Dingcong copy

“Reggee, officially, today nag-expire ang kontrata ni Derek sa TV5 and we decided na hindi na mag-renew kasi wala namang ginagawa si Derek sa TV5. Saka nag-iba naman na ang path ng TV5, di ba?” paliwanag ni Jojie nang makausap namin nitong Martes ng gabi.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Okay kami naman ang usapan namin nina Chot Reyes, in fact may offer pa, pero we decided na huwag na and we’re really thankful naman sa TV5 for 6 years na hindi nila pinabayaan si Derek.”

Matatandaang 2012 nang mag-ober da bakod sa TV5 si Derek galing ng ABS-CBN at agad ibinigay sa kanya bilang host ang The Amazing Race na nakadalawang season.

Ibinigay din sa kanya ang Extreme Series: Kaya Mo Ba Ito.

Ang unang teleserye niyang Kidlat ay napamahal sa kanya nang husto dahil Pinoy superhero siya at naging instant hit sa mga bata. Nasundan pa ito ng ilang series tulad ng Undercover, For Love or Money at Mac & Chiz. Napasama rin siya sa game shows na Let’s Ask Pilipinas at Happy Truck ng Bayan.

Ang huling serye ni Derek na Amo na idinirehe ni Brillante Mendoza ay hindi na naipalabas sa TV5. Ayon sa source namin ay nagkaproblema raw sa marketing kaya sa napagdesisyunan ng management na ibenta na lang sa Netflix.

Babalik ba ng ABS-CBN si Derek?

“As of now, Reggee, wala kaming offer sa ABS-CBN pero sa Star Cinema mayroon, in fact tapos na naming gawin ang movie with Bea Alonzo, ‘yung Kasal directed by Ruel Bayani. And may gagawin pa kaming three more movies sa Star Cinema, we had a meeting recently with Inang (Olive Lamasan).

“Then, we said yes din with Quantum kay Atty. Joji Alonso, plus Regal Films at Viva Films pa. Kaya Reggee, super busy talaga si Derek now, puro movies ang gagawin niya and kung tama ang pagkakabilang ko siguro 10 movies ang gagawin niya.

“Kaya sa TV wala pa, actually maraming nag-o-offer noon pa, like GMA-7. Ang sabi ko sa kanila, ‘we have to wait first until the contract is over.’ Ayoko naman kasing tumanggap o umoo na may kontrata pa kami sa TV5 para malinis, di ba, Reggee?” paliwanag pa ni Jojie habang kausap namin sa kabilang linya.

Thankful sina Jojie at Derek sa rami ng dumarating na offers sa kanila.