Ni Hannah L. Torregoza

Inilabas kahapon ni Senator Richard Gordon ang draft report ng Senate blue ribbon committee na nagpapakita ng pagiging criminally liable nina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating budget secretary Florencio “Butch” Abad at dating health secretary Janette Garin sa isyu ng dengue vaccine na Dengvaxia.

Sinabi ni Gordon, na guilty si Aquino sa malfeasance, misfeasance at nonfeasance, nang pahintulutan nito ang procurement ng P3.5 bilyong halaga ng Dengvaxia vaccines noong 2015 matapos itong makipagkita sa executives ng Sanofi Pasteur na gumawa ng kontrobersyal na bakuna.

Lagda na lamang ng miyembro ng Senate blue ribbon committee at health and demography ang hinihintay upang maisumite na sa plenary deliberation.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi ng blue ribbon committee na kailangang panagutin sina Aquino, Garin, Abad at ang iba pang opisyal dahil sa trahedyang idinulot ng Dengvaxia.