Ni NITZ MIRALLES

HINDI umuwing luhaan si Alden Richards at si Jessica Soho mula sa pagdalo sa gala ng 2018 New York Festivals World’s Best TV & Films dahil nanalo ng Silver World Medal sa Best Docu-drama category ang Alaala: A Martial Law Special. Produced ng GMA News and Public Affairs ang special in commemoration of the 45th anniversary of Martial Law.

ALDEN copy

Nanalo naman si Jessica Soho sa Best News Anchor category.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Iniulat namin nitong nakaraang weekend na pareho silang presenters sa awarding rites.

Nanalo rin ng Gold World Medal ang “Hawla” episode ng Reel Time sa documentary episode at Bronze World Medal ang Brigada, Reporter’s Note Book (“Yapak sa Pusod ng Dagat”), Front Row (“Batang Bomba”) at Bronze World Medal for the “Gutom” episode ng Reel Time uli na pawang mga programa ng GMA-7.

Sa direction ni Adolf Alix, Jr., ginampanan ni Alden ang role ni Boni Ilagan, ang UP student na inaresto nang ibagsak ang martial law, tinortyur at dalawang taong ikinulong. Nakasama ni Alden sa cast sina Rocco Nacino, Bianca Umali at Gina Alajar.

Kasama naman siguro ang acting ng cast, lalo na ni Alden kung bakit nanalong Best Docudrama ang Alaala. Ano na kaya ang masasabi ng dalawang bashers ni Alden na sa araw ng awards night noong April 10, nabasa ang convo sa Twitter na sinisiraan ang aktor?

“Ang hirap gawin ng Alaala, dapat maingat kami sa mga eksena, kaya nang ma-recognize, grabe ang saya namin. First international award ko ito at para sa buong team, ako lang ang tumanggap,” wika ni Alden.

Pagkatapos tanggapin ang trophy, ang pahayag ni Alden: “It’s a great feeling to be part of the team that brings honor to the country. Nakakatuwa po talaga! Ang dami pong representatives mula sa iba’t ibang bansa, and nakaka-proud po itaguyod ang Pilipinas.”

Sa pamamagitan ng Instagram (IG), nagpasalamat din si Alden at sinabing, “Thank you to the New York Festivals for this great recognition. Congratulations to Team Alaala for the win! To GOD be the glory! #humbled.”

Kabilang sa nag-congratulate kay Alden sina Lovi Poe at Betong na nakasama niya sa “Sikat Ka Kapuso” shows sa New Jersey at Toronto at si Jerald Napoles na kasama ni Alden sa Sunday Pinasaya.

Hindi ang Alaala ang first TV show ni Alden na na-nominate sa New York Festivals World’s Best TV & Films dahil noong 2016, naging nominado rin for Best Mini-Series ang Ilustrado na ginampanan naman niya ang karakter ni Jose P. Rizal.

Samantala, pagbalik mula sa Amerika, haharapin ni Alden ang recording ng kanyang bagong album sa GMA Records na may target release na sa third quarter ng taong ito.

Pero sa May, ire-release na agad ang first single sa naturang album. Baka ang I Will Be Here For You ang first single na sinasabi ni Alden.