Ni Mary Ann Santiago

Ipinagmalaki kahapon ng Department of Transportation (DOTr) ang patuloy na humuhusay na serbisyo ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa matagumpay na biyahe ang 17 tren, nitong Martes ng gabi.

Sa abiso ng DOTr, inanunsiyo nito ang pag-deploy ng 17 tren, dakong 6:50 ng gabi nitong Martes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Higit ito sa target ng DOTr na 15 tren ang bibiyahe ngayong Abril, kasunod ng general maintenance nitong Mahal na Araw.

“GOOD NEWS: There’s no stopping us from achieving our #MRT3Goals!,” tweet ng DOTr.

“On April 10, 2018, at 6:50pm, MRT-3 deployed its 17th train set in the mainline,” dugtong nito.

Noong Nobyembre 16, 2017, huling bumiyahe ang 17 tren ng MRT-3.

Simula nang mabatikos bunsod ng halos araw-araw na aberya ng mga tren, nagpasya ang DOTr na bawasan ang bumibiyaheng tren mula noong Enero, at umabot lamang sa pito hanggang walong tren na nagdulot ng mahabang pila ng mga pasahero at matagal na paghihintay bago makasakay.

Target ng DOTr na mapabiyahe ang 20 tren sa Mayo, sa sandaling magtake-over ang bagong service provider ng MRT-3.

Kahapon, dakong 12:00 ng tanghali, bumiyahe ang 16 na tren ng MRT-3 na may headway na 5.5 minuto.