(Reuters) – Sa loob ng 20 minuto, 20 F-18 fighter jets ang lumipad at lumapag sa USS Theodore Roosevelt aircraft carrier upang ipamalas ang hindi matatawarang military precision at efficiency.

Ang nuclear-powered warship ng US military, nagdadala ng isang carrier strike group, ay nagsasagawa ng routine training sa South China Sea nitong Martes. Patungo ito ngayon sa port call sa Pilipinas, isang kaalyado sa depensa.

Hindi nag-iisa ang United States sa pagsasagawa ng naval patrols sa strategic waterway, kung saan nag-o-operate ang Chinese, Japanese at ilang Southeast Asian navies, na posibleng nagpapatindi sa tensiyon at panganib ng aksidente sa karagatan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“We have seen Chinese ships around us,” Rear Admiral Steve Koehler, ang strike group commander, sa maliit na grupo ng reporters na sakay ng tatlong dekada nang carrier.

Ang presensiya ng USS Theodore Roosevelt sa South China Sea ay nangyari ilang araw matapos ang malakinhg air at naval drills ng China sa lugar, na inilarawan ng ilang analysts na hindi pangkaraniwan ang laki ng ipinakitang puwersa.

“This transit in the South China Sea is nothing new in our planning cycle or in a reaction to that. It is probably by happenstance that all that is happening at the same time,” ani Koehler, na inilibot sa carrier ang mga opisyal ng militar sa Pilipinas at pinanood ang flight operations sakay ng 100,000-toneladang warship.