Ni Beth Camia

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mining companies na maaari niyang palawigin ang open-pit mining ban hanggang sa susunod na taon.

Ito ang habilin ng Pangulo bago bumiyahe patungong Hainan, China para sa Boao Forum for Asia.

“Maybe next year, maybe, I will ban open-pit mining. Sleep on it,” ani Pangulong Duterte.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Ipinagbawal ni dating Environment secretary Gina Lopez ang open-pit mining pabor sa malinis at maayos na kapaligiran. Hindi pumayag si Duterte sa panukala ng Mining Industry Coordinating Council (MICC) na alisin ang ban.

Sa halip, inatasan ng Pangulo ang mining companies na magtanim ng mga punongkahoy sa mga lugar na kanilang pinagmiminahan, o babawiin niya ang permit ng mga ito.

“In six months, ‘pag wala ‘yung kahoy na iniwan n’yo na winasak n’yo ‘yung lupa, then consider your permit revoked,” ani Duterte.