Ni Gilbert Espeña

IPAGTATANGGOL ni Philippine flyweight champion Ryan Rey Ponteras ang kanyang titulo sa mapanganib na si Mindanao Professional Boxing Federation (MinProBa) titlist Genesis Libranza sa Abril 14 sa University of Baguio Gym, Baguio City.

Ito ang ikalawang depensa ni Ponteras ng kanyang titulo matapos maagaw kay Felipe Cagubcob Jr. sa 12 round majority decision bago naidepensa ang belt kay Cagubcob sa kanilang rematch sa technical decision.

Unang pagkakataon naman ito ni Libranza sa Philippine title bagamat nakalasap siya ng unang pagkatalo via knockout sa paghamon kay IBO flyweight ruler Moruti Mthalane sa sagupaan noong Abril 28, 2017 na ginanap sa teritoryo nitong Johannesburg, South Africa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Minsan naring lumaban si Ponteras sa world title bout nang hamunin si IBO super flyweight champion Gideon Buthelezi noong Hulyo 29, 2017 pero natalo rin siya sa12-round unanimous decision sa sagupaang ginanap sa East London, South Africa.

May rekord si Ponteras na 21-12-1 win-loss-draw na may 10 panalo sa knockouts kumpara kay Libranza na may 14 na panalo, 1 talo na may 9 pagwawagi sa knockouts.