Cleveland, humirit sa ika-50 panalo; Raptors at Thunder; nagpahiyang

NEW YORK (AP) — Napanatili ng Cleveland Cavaliers ang Central Division title nang makamit ang ika-50 panalo sa pamamagitan ng pagdomina sa Knicks, 123-109, nitong Lunes (Martes sa Manila).

Hataw si LeBron James sa naiskor na 26 puntos at 11 assists, habang kumana si Kevin Love ng 28 puntos para patatagin ang kampanya makausad pa sa No.3 sa Eastern Conference Playoff. Lamang lamang ng isang laro ang Philadelphia Sixers sa Cavs.

Ito ang ikaapat na sunod mla nang magbalik si James mula sa Miami na umabot sa 50 ang panalo ng Cavs at ika-11 sa kasaysayan ng prangkisa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nag-ambag sina J.R. Smith at Jordan Clarkson ng tig-16 puntos para sa Clevelang na nakapagtala ng 19 3-pointers tungo sa ikasiyam na sunod na panalo sa Madison Square Garden.

Nanguna si Michael Beasley sa Knicks na may 20 puntos, habang tumipa si rookie Frank Ntilikina ng career-high 17 puntos.

RAPTORS 108, PISTONS 98

Sa Detroit, ratsada si Jonas Valanciunas sa natipang 25 puntos sa panalo ng Eastern Conference leader Toronto Raptors kontra sa sibak ng Pistons.

Naglaro ang Detroit na wala sina All-Stars Andre Drummond at Blake para sa huling home game ng Pistons, nagawang makabante sa 17 puntos sa first period.

Humaribas ang Raptors sa second period para maibaba ang bentahe a tatlo, at nalimitahan ang karibal sa 38 puntos sa loob ng huling dalawang quarters para manalo.

THUNDER 115, HEAT 93

Sa Miami, nasiguro ng Oklahoma City Thunder na lalaro sila playoff matapos palamigin ang Heat.

Kumubra si Paul George ng 27 puntos, habang tumipa si Russell Westbrook sa ika-25 triple-double ngayong season. Nagsalansan si Westbrook ng 23 puntos, 18 rebounds at 13 assists.

Nag-ambag sina Jerami Grant ng 17 puntos, habang kumubra si Carmelo Anthony ng 11 puntos.

Nanguna naman sina Josh Richardson na may 18 puntos at bumalikat si Hassan Whiteside ng 16 puntos.

SPURS 98, KINGS 85

Sa San Antonio, pinaluhod ng Spurs, sa pangunguna nina Rudy Gay na may 18 puntos at Manu Ginobili na may 17 puntos, ang Sacramento Kings para makausad sa playoff.

Humugot sina Gay, Ginobili at Bryn Forbes ng pinagsamang 25 puntos.

Nanguna si Willie Cauley-Stein sa Sacramento na may 25 puntos at 10 rebounds. Nag-ambag sina Aaron Fox na may 21 puntos at umiskor si Buddy Hield ng 17.

Sa iba pang laro, naitala ng Brooklyn Nets ang unangh three-game winning streak sa season nang gapiin ang Chicago Bulls, 114-105; pinaglaho ng Milwaukee Bucks ang Orlando Magic, 102-86; nginata ng Minnesota Timberwolves, 113-94, ang Memphis Grizzlies .