Ni Czarina Nicole O. Ong

Walang nakikitang rason ang Sandiganbayan First Division para ilipat sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DoJ) ang sinasabing “pork barrel” mastermind na si Janet Lim Napoles.

Si Napoles ay probisyonal na tinanggap sa WPP nitong Pebrero 27. Dahil dito, naghain siya ng urgent motion sa anti-graft court nitong Marso na humihiling na mailipat siya sa WPP mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Binanggit nito ang mga probisyon sa R.A. 6981 (Witness Protection, Security and Benefit Act) na nagsasabing ang mga witness ay dapat bigyang seguridad hanggang sa kanyang pagtestigo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayundin, sinabi ni Napoles na dapat siyang magkaroon ng ligtas na housing facility hanggang sa mawala o kundi man ay mabawasan ang banta, intimidation o harassment laban sa kanya.

Bukod dito, nagsampa rin ng manipestasyon si Napoles sa korte at ibinahagi ang kanyang kuwento na “harassment, intimidation” sa kamay ng mga tauhan ng BJMP na nangyari umano noong Oktubre 12, 2017.

Subalit sa limang-pahinang resolusyon nitong Abril 5, ibinasura ng korte ang mosyon ni Napoles dahil sa kakulangan ng merito.

“To place accused Napoles into the custody of the WPP despite being presently under detention for a lawful cause is contrary to the clear and express import of Article IX, Section 1 of the IRR of R.A. 6981,” saad sa resolusyon.

Nahaharap si Napoles sa mga kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.