Ni Gilbert Espeña

MULING sasabak si dating World Boxing Association (WBA) rated super featherweight Recky Dulay ng Pilipinas laban sa walang talong Amerikano na si Genaro Gamez sa Abril 12 sa Fantasy Springs Casino, Indio, California.

Ito ang unang laban ni Dulay mula nang mapatulog sa 3rd round ni dating WBA International junior lightweight champion Dardan Zenunaj ng Kosovo sa sagupaan para sa bakanteng WBO-NABO super featherweight belt noong Setyembre 30, 2017 sa Boston, Massachusetts.

Lumikha ng ingay sa Amerika si Dulay nang patulugin sa 3rd round si WBA Fedelatin super featherweight champion Jaime Arboleda ng Panama na pinasisikat noon ni six-division titlist Oscar dela Hoya ng Golden Boy Promotions.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naging boksingero ni Dela Hoya si Dulay pero kaagad natalo kay Zenunaj at masusubukan ngayon kay Gamez na may perpektong kartada na pitong panalo, tampok ang lima sa knockouts.

May rekord ang tubong Catarman, Northern Samar na si Dulay na 10-3-na may 7 pagwawagi sa knockouts at kailangang kumbinsidong magwagi kay Gamez para makabalik sa world rankings.