Ni Bert de Guzman
Philippine Statistics Authority (PSA). Sa ilalim ng batas, ang NFA ang may mandato na bumili ng palay sa mga lokal na magsasaka bilang buffer stock sa panahon ng kalamidad at bilang stabilizer sa pamilihan upang maiwasan ang pagsirit ng presyo ng commercial rice.
Buti na lang at maganda ang ani ng bukid namin na pamana nina Tatang at Inang. Ngayon, ang mga pamangkin ko sa San Miguel, Bulacan ang nag-aalaga at nagbubungkal. Hindi ako nawawalan ng bagong aning bigas mula sa bukid na minsan ay katulong ako ni Tatang sa pag-aararo at pagbubungkal.
Para manumbalik ang tiwala ng mamamayan sa Philippine National Police (PNP) at muling gumanda ang imahe ng kapulisan (pulisya) na nabahiran ng kurapsiyon at asal-kriminal ng ilang kasapi nito, inatasan ni Dept of Interior and Local Gov’t (DILG) Officer-in-Charge Eduardo Año si bagong hirang na PNP Chief Oscar David Albayalde (ODA) na ipatupad agad ang “internal cleansing” o pagpupurga sa organisasyon.
Ayon kay Año, ang unang direktiba niya kay ODA ay tugisin, pag-usigin at sibakin ang mga “halimaw” na pulis, kotongero, pulis-patola, pulis-sa-ilalim-ng tulay na tunay na “disgrace” o kahihiyan ng PNP. Pinauusig niya ang mga pulis na AWOL, natutulog, tamad at umiinom ng alak habang naka-duty.
Maging si Sen. Leila de Lima na mahigpit na kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ay sang-ayon sa ginawang paghirang ni Mano Digong kina Justice Sec. Menardo Guevarra, kapalit ni Vitaliano Aguirre II, at Oscar David Albayalde, kapalit ni Ronald “Bato” dela Rosa. Kahit papaano, ito ang tanging hakbang ng Pangulo na pinuri ni Delilah, este De Lima.
Nais ni PRRD na ang pag-uusap ng kapayapaan sa komunistang grupo ay tapusin sa loob ng dalawang buwan. Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na kayang-kayang matapos ang negosasyon sa loob ng 60 araw. Naghahanda na ang government panel sa muling pakikipag-usap sa CPP-NPA-NDF.
Umaasa ang taumbayan na sa resumption ng peace talks, maiiwasan na ang karahasan, pananambang, pagsalakay at pagpatay ng NPA habang isinasagawa ang pag-uusap. Sayang ang pagkakataon!
TATLONG buwan na palang mataas ang presyo ng bigas kasunod ng pahayag ng National Food Authority (NFA) na kulang ang supply ng bigas, ayon sa