Mula sa Reuters
BINAYARAN ni Bill Cosby ang babaeng nag-akusa sa kanya ng pangmomolestiya ng $3.38 million bilang bahagi ng settlement ng kasong isinampa noong 2006, pahayag ng mga prosecutor nitong Lunes, sa pagbubukas ng retrial sa criminal charges na may kaparehong mga akusasyon.
Ibinunyag ng mga prosecutor sa Montgomery County sa Pennsylvania, na ang unang payout sa opening statement ng pangalawang trial ni Cosby, halos isang taon makaraang mabigo ang ibang jury na makapagpataw ng parusa, kaya itinuring itong mistrial.
Inakusahan ni Andrea Constand, 44, ang gumanap na ama sa The Cosby Show ng pamimilit at pangmomolestiya noong 2004. Isa si Constand sa mahigit 50 kababaihan na nag-aakusa ng magkakaparehong paratang laban kay Cosby.
Ang kanyang kaso ang nag-iisang nauwi sa criminal prosecution dahil ang ibang ay matatanda na sa ilalim ng statute of limitations.
Sinabi naman ni Cosby, 80, na ang lahat ng encounter ay consensual. Kung mahahatulan ng aggravated indecent assault, maaari siyang makulong ng sampung taon.
Ibinasura ng judge ang settlement o ang the civil lawsuit sa unang criminal trial ngunit nagkasundo ang jury na pakinggan at pag-aralan ang kaso sa pagkakataong ito.
Nagawa ng defense team ni Cosby na makakuha ng karapatan para maibunyag ang settlement, at bilang buwelta, inilarawan nila na humihingi lang ng malaking payout si Constand. Sinabi rin ng defense team na magpiprisinta sila ng saksi na tetestigo na minsan nang nag-akusa si Constand sa mga celebrity nang kaparehong paratang para makatanggap ng pera.
Ngunit sa kanyang opening statement, ibinunyag ni District Attorney Kevin Steele ang payout. Kalaunan ay maaari niyang ilaban na ebidensiya ang payout at palabasing guilty si Cosby.
Tinawag ni Steele ang aksiyon ni Cosby bilang pagtataksil, dahil minsan siyang itinuring ni Constand bilang kaibigan at mentor. Sinabi rin niyang nagdesisyon ang mga prosecutor na ilaban ang kaso makaraang maisapubliko ang transcripts ng desposisyon ni Cosby sa civil case.
“Andrea Constand did not come to us. After this was released, we go to her,” lahad ni Steele sa jury.
Bago nagsimula ang pagdinig sa korte, naghubad ng damit ang dating Cosby Show actress na si Nicolle Rochelle, at kinumpronta si Cosby habang naglalakad ito papasok sa court, kasama ang mga publicist at pulis. Mabilis siyang hunuli ng mga pulis at kinasuhan ng disorderly conduct, saad ng mga prosecutor.
Umakyat si Nicolle Rochelle sa barrier at nagsisigaw. Nakasulat naman sa kanyang hubad na katawan ang “Women’s Lives Matters” at mga pangalan ng mga nag-akusa kay Cosby.
Lumabas si Rochelle, 39, sa apat na episode ng The Cosby Show mula 1990 hanggang 1992, ayon sa show business data mula sa IMDb.com.