Ni REY G. PANALIGAN

BAGUIO CITY – Walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa reklamong impeachment sa Kamara de Representante at sa quo warranto na inihain sa Supreme Court (SC), pahayag kahapon ni Solicitor General Jose C. Calida.

Sa interview bago nagsimula ang oral argument sa quo warranto petition kahapon, sinabi ni Calida na walang iniutos ang Presidente para idiskuwalipika si Sereno at patalsikin ito bilang pinuno ng hudikatura.

“The President never instructed me to file a quo warranto case against respondent Sereno; that’s not his style. The quo warranto petition was filed on my own without the President’s instruction,” sabi ni Calida.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“I can look at you straight in the eye and say the President has nothing to do with this,” aniya.

Binanggit din niya na hindi niya tinalakay ang quo warranto petition sa Presidente.

Sinabi niya na natutuwa siyang susuportahan ng Presidente ang quo warranto case na isinampa niya laban kay Sereno.

“I’m very happy that he supported our quo warranto and he even said that I should do my best. Rest assured I will do my best,” pagbibigay-diin niya.

Pinabulaanan din ni Calida ang sinabi ni Sereno na unconstitutional ang quo warranto petition.

“Maybe I should add one more violation—proven incompetence. She doesn’t even know the nitty gritty of the Constitution,” sabi niya.

Nitong Lunes, sa isang talumpati ay pinagpapaliwanag ni Sereno si Pangulong Duterte sa mga alegasyon na ang huli ang nasa likod umano ng impeachment complaints at quo warranto case.

“Please explain why it was Solicitor General Calida who filed the quo warranto case. Surely you (President Duterte) must explain to the people why this unconstitutional act,” sabi ni Sereno nang magtalumpati sa harap ng organizers ng Movement Against Tyranny sa Quezon City.

“Mr. President, if you say that you have no hand in this, please explain why Solicitor General Calida, who reports to you, filed the quo warranto petition,” wika ni Sereno.

Binanggit din ni Sereno ang impeachment complaints na isinampa ng abogadong si Larry Gadon.

“I have never seen him (Gadon). But it turned out Gadon has seen the President several times and I am really surprised,” sabi niya.

Kasunod nito, galit na itinanggi ng Presidente ang mga alegasyon na may kaugnayan siya sa impeachment complaints at sa quo warranto petition laban kay Sereno.

Bilang reaksiyon sa mga pahayag ni Sereno, sinabi ng Presidente na pabibilisin niya ang pagpapatalsik kay Sereno sa Korte Suprema.

“I will see to it and after that, I will request the Congress, go into the impeachment right away. Because the two entities can hear it simultaneously. Impeachment in Congress,” sabi ng Presidente.