Ni BELLA GAMOTEA

Dalawa ang patay habang anim ang sugatan, kabilang ang isang Chinese, makaraang bumagsak ang isang crane ng ginagawang gusali sa Pasay City kahapon.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. ang isa sa mga nasawi na si Jonathan Diserdo y Clavecillas, 32, crane operator ng MONOCRETE Construction. Kinikilala pa ang isang nasawing biktima.

Isinugod naman sa San Juan De Dios Hospital ang mga sugatan na sina Kumbo Mabinay y Dimalanes, 24; at Jay Ballon y Duran, 29, kapwa guwardiya ng Modern Security Agency; Liu Shen Xiu, 30, Chinese; Francisco Angcatan y Angcom, 59; MelvinYosores y Reforma, 28; at Elmer Sedol y Torres, 46, pawang crane erector.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, naganap ang insidente sa construction site ng STI Building, na matatagpuan sa panulukan ng EDSA at P. Celle Street ng nasabing lungsod, bandang 12:45 ng hapon.

Habang naka-jack up ang crane tower upang magdagdag ng mast, biglang bumaba ang pressure ng hydraulic cylinder na nagresulta ng pagbagsak ng crane at tumama sa katabing Core Town building.

Binawian ng buhay sa nasabing pagamutan si Diserdo habang dead on the spot ang hindi pa nakikilalang lalaki, na nabagsakan ng tower boom.

Nasa loob naman ng banyo, sa ikaapat na palapag ng Core Town Building, ang sugatang mga biktima nang maganap ang insidente.