Ni Beth Camia
Ipinangako ng Malacañang na pakakasuhan ang contractor ng National Housing Authority (NHA) kasunod ng mga alegasyon tungkol sa mga substandard na pabahay na itinayo para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Eastern Visayas.
Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa press briefing sa Tanauan, Leyte.
Ayon Roque, nakarating na kay Presidente Rodrigo Duterte ang mga reklamo ng “Yolanda” survivors na nakatira sa naturang mga pabahay at patuloy ang kanilang pag-aksyon at solusyon para rito.
Idiniin niya na hindi kukunsintihin ang administrator ng NHA lalo’t naging city administrator ito ni Duterte sa Davao City.
Nabatid na lumiham ang ilang grupo ng “Yolanda” survivors tungkol sa mga problemang kanilang kinakaharap sa mga resettlement sites partikular na sa tubig, kuryente, hanapbuhay, at substandard na konstruksyon ng kanilang mga tirahan.