PINATUNAYAN ni WBO Asia Pacific Youth super featherweight champion Joe Noynay na puwede na siyang isabak sa eksenang pandaigdig ng boksing matapos talunin nitong Sabado ng gabi ang mas beteranong si Hector Garcia ng Mexico sa Bogo City Sports and Cultural Complex, Bogo City, Cebu Province.

“In a bloody non-stop war, Bogo native Joe Noynay edged tough forward-pressing brawler Hector Garcia of Tijuana, Mexico, to retain by majority decision his World Boxing Organization Asia Pacific Youth super featherweight title,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

Pukpukan ang naging laban nina Noynay at Garcia at ikinatuwa ng boxing fans na nakasaksi sa laban ang tibay ng dalawang boksingero.

“In fact, the 23-year-old Mexican Garcia pushed Noynay to the edge of abyss a couple times during the ten-round furious battle, but failed to finish him off,” dagdag sa ulat. “The brave Pinoy managed to survived the onslaught and later on replied with fire of his own manufacture with the Filipino being more effective during the last two rounds of the clash.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dalawa sa mga hurado ang pumabor kay Noynay sa parehong iskor na 96-94 samantalang isa ang nagdeklarang table sa 95-95 ang kampeonato.

Kabilang sa mga sumaksi sa sagupaan sina dating world champions Dodie Boy Penalosa at Milan Melindo.

Napaganda ni Noynay ang kanyang rekord sa 14-2-1, habang bumagsak ang kartada ni Garcia sa 12-7-2 na may 7 panalo sa kncokouts.