Ni Mary Ann Santiago

Nasa balag na alanganin ngayon ang isang bagitong pulis, kapatid at pinsan nito, matapos ireklamo ng isang magka-live-in na kanila umanong binugbog makaraang tanggihan umano ang shabu na inialok nila sa Maynila, iniulat kahapon.

Kasong grave threats at physical injuries ang inihain nina Romnick Mallari, 29; at Enalyn Poblete, 29, kapwa ng Batangas Line, San Andres Bukid, sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS).

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

I n i r e k l a m o n g mg a biktima si PO1 Mike Asistio, ng Mandaluyong City Police; nakatatanda nitong kapatid na si Roland Asistio; at pinsang si Josephine Asistio, pawang taga- Batangas Line, Paco.

Nakatayo umano sa harapan ng kanilang bahay sina Mallari at Poblete nang lapitan sila ni Roland at nag-alok umano ng sinasabing shabu, dakong 9:30 ng gabi nitong Abril 7.

Mariin umanong tinanggihan ni Mallari ang alok, na ikinagalit ni Roland at nagsumbong sa pulis at kay Josephine.

Dumating ang dalawa pang suspek at pinagtulungan umanong gulpihin si Mallari, kaya tinangkang umawat ni Poblete subalit maging siya ay pinagbalingang saktan ng mga salarin.

Nagtamo ang dalawa ng mga sugat at pasa sa katawan.

Kaagad namang nagtungo ang mga biktima sa pagamutan bago dumiretso sa tanggapan ni MPD-GAIS chief, Chief Insp. Joselito De Ocampo, upang maghain ng reklamo.

Batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV), hindi umano kasali si PO1 Asistio sa panggugulpi sa mga biktima, kundi umalalay lamang habang nakaumang ang bar i l sa direksiyon ng komosyon.

Sinasabing sinaway umano ni Mallari si Roland na huwag doon tumambay at baka sila madamay, pero sa halip na tumalima ay ipinakita pa umano nito sa biktima ang hawak na shabu.

Ipatatawag ng MPD-GAIS ang pulis at dalawa pang suspek para sa imbestigasyon.