Nina Mina Navarro at Mary Ann Santiago
Secretary Silvestre Bello III ang mga employer sa Boracay na bawal silang magtanggal ng kanilang manggagawa dahil sa anim na buwang pagsasara ng isla na magsisimula sa Abril 26.
Sinabi ni Bello na kailangan ng mga employer na magkaroon lamang ng dahilan upang tanggalin ang kanilang mga trabahador.
Aniya, walang tanggalan at kung mayroon man ay dapat na makatanggap ang mga empleyado ng separation pay, at dapat na may karampatang dahilan.
Ayon kay Bello, napaulat na hindi bababa sa 280 newly-hired workers ang inalis ng isang hotel dahil sa zero booking bunga na rin ng nalalapit na Boracay closure.
Sisilipin din ng kagawaran ang ulat hinggil sa nararapat na pag-aabiso ng mga management bago ipatupad ang isang mass lay off.
Nilinaw ng kalihim na hindi mamanagot ang pamunuan ng hotel kung ang mga manggagawa ay hindi pa regular na empleyado.
Mananagot lang aniya ang pamunuan ng hotel kung ilegal ang pagpapaalis sa mga manggagawa, kaya iuutos ng DoLE na ibalik ang mga ito sa kanilang trabaho.
Samantala, apektado rin sa Boracay closure ang 23 kasal na nakatakda na sa isla, at pinayuhan ng Department of Tourism (DoT) ang mga ito na lumipat na lamang sa ibang wedding venue.
Sinabi ni Father Tudd Belandres, parish priest ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Boracay, na apektado ng pagsasara ng Boracay ang mga naturang kasal na nakatakda sanang ganapin sa mula Abril 26 hanggang Oktubre 25.