Ni Marivic Awitan

DETERMINADO ang senior spiker ng season host Far Eastern University na si Bernadeth Pons na hindi masayang ang kanyang huling playing year sa UAAP.

At muli niya itong ipinakita sa pamamagitan ng isa na namang all-around performance na naghatid sa Lady Tamaraws papasok sa Final Four round ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament.

Bunga nito, si Pons ang napili para maging UAAP Press Corps Player of the Week.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tinalo niya para sa lingguhang citation sina National University ace Jaja Santiago, University of the Philippine top hitter Tots Carlos, De La University hitter Kim Kianna Dy, at Ateneo de Manila University standout Kat Tolentino..

Nagtala ang FEU skipper ng average na 15.4 puntos habang naramdaman din ang kanyang ambag sa depensa partikular sa floor defense.

Sa nakaraang 5-set win ng Lady Tamaraws kontra Adamson Lady Falcons , tumapos si , Pons na may triple-double 22 puntos, 23 digs, at 24 excellent receptions.

Hawak ang barahang 8-4 at may natitira pang dalawang laro, may tsansa pa ang Lady Tams para sa twice-to-beat bonus sa semis.

“Ang target namin is yung number two, so kailangan ma-straight namin yung natitirang games para makuha namin yung number two spot,” ani Pons, na tinutukoy ang susunod na laban kontra University of the East bukas-Miuerkules at sa National University sa Linggo.

“Ito na lang yung last chance ko. Gusto talaga namin na makapasok kami ng Finals, pero syempre gusto namin makakuha ng twice-to-beat advantage kasi malaking bagay ito sa team,” aniya.