MATAGUMPAY na nailunsad ng Film Development Council of Philippines (FDCP) ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) noong nakaraang tao, at ngayong 2018 ay idadaos naman ang ikalawang taon ng PPP sa Agosto 15-21, 2018.

Sa pakikipagtulungan sa lahat ng mga sinehan sa bansa, pipili ang PPP ng walong pelikula na magkaroon ng Philippine premiere.

“PPP was so well-received by our audience last year and we believe that this industry event is worth doing again this year. We are very proud that Filipinos came together to support our own and enjoy our amazing slate of quality genre films,” sabi ni FDCP Chairperson/CEO Liza Dino sa meeting kasama ang producers niyong Abril 4, 2018 sa Salu Restaurant sa Quezon City.

“Everybody is looking forward to PPP 2018 and we are working hard to make it even more successful,” dagdag niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“PPP will also be an opportunity for producers to enhance their experience and learn more about the ins and outs of the industry, from marketing, to booking, and distributing their films.”

Ang PPP 2018 ay bukas sa lahat ng mga Pilipinong producer na may natapos nang pelikula at maaaring magpasa ng higit pa sa isang entry sa ilalim ng mga sumusunod na criteria:

A. The film should have themes reflective of the Filipino sensibilities culture with wide audience appeal.

B. The film should have been produced from 2017-2018.

C. The film must have its Philippine premiere during the Pista ng Pelikulang Pilipino and must not have been previously shown in any format in the country. Films which premiered internationally are eligible.

D. The film should have a minimum of 75 minutes and a maximum of 180 minutes in length.

E. The film must be submitted with English subtitles.

F. The producer must have a distributor.

G. The producer must have a marketing plan ready in the event of selection.

Bukas ang FDCP sa pagtanggap ng applications simula ika-20 ng Abril hanggang Hunyo 15, 2018. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.fdcp.ph at Pista ng Pelikulang Pilipinio facebook page at iba pang PPP social media accounts.