SENELYUHAN ni Wishaya Trongcharoenchaikul ang dominasyon ng Thailand sa Team Philippines, 4-1, sa pahirapang panalo kontra Jeson Patrombon, 6-4, 1-6, 7-5, nitong Linggo sa kanilang Asia Ocenia Zone Group 11 second round tie sa Philippine Columbian Association shell-clay court sa Plaza Dilao, Manila.

PATROMBON: Bigo sa 11 aces ng karibal

PATROMBON: Bigo sa 11 aces ng karibal

Pinaulanan ng 6-foot-3 Trongcharoenchaikul ang Pinoy star ng 11 aces para makuha ang bentahe sa best-of-five tie.

Nauna rito, nagwagi si Trongcharoenchaikul kay rising star Joseph Brian Otico sa opening singles.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bunsod ng panalo, umusad ang Thais sa finals laban sa magwawagi sa pagitan ng Lebanon at Hong Kong sa September.

Tangan ng Lebanese ang ventahe 2-0 sa kanilang tie.

Ang panalo ang ikaapat na sunod ni Trongcharoenchaikul sa karibal na Pinoy matapos gapiin sina AJ Lim at Petrombon sa nakalipas na taon.

Naitabla rin ng Thais ang head-to-head duel sa Pinoy sa 4-4.

Sinimulan ng kambal na sina Sanchai at Sonchat Ratiwatana ang ratsada nang biguin ang tambalan nina Johnny Arcilla at Francis Casey Alcantara, 4-6, 7-6 (7-3), 6-1, sa doubles match para basagin ang 1-1 tabla matapos ang split win sa unang singles nitong Sabado.

“It was a tough win, it took us some time to adjust to the surface but when won the tiebreaker, we gained confidence in our shots and that was it,” pahayag ni Sonchat Ratiwatana.

Nabigo naman si Otico, pumalit sa na-injured na si Lim, kontra Palaphoom Kovapitukted, 6-4, 6-3, sa final match.