Nina GENALYN D. KABILING at BETH CAMIA
BOAO, CHINA – Nanawagan ang Pilipinas sa United States at China na maging mahinahon at muling mag-usap para maiwasan ang full-blown trade war at ang pinsalang maaaring idulot nito sa ekonomiya ng mundo.
Nagbabala si Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana na walang mananalo sa iringan sa kalakalan sa pagitan ng dalawang pinakamalalaking ekonomiya sa mundo, at isa ang Pilipinas sa mga bansa na maaapektuhan.
“If a trade war breaks out, usually generally speaking there are no winners and it is a hard for any winner to emerge and so we will also be affected,” ani Sta. Romana sa media interview bago ang Boao Forum for Asia annual conference sa Hainan. “What we need to do is to call on restraint on the US and China to go back to the negotiating table, to open talks and try to resolve through negotiations, trade talks so as to avert a trade war and so as to prevent any fallout on the Philippines,” dugtong nia.
Nagsimula ang sigalot matapos magpatupad ang US ng taripa sa aluminium at steel imports, na itinuturing na parusa sa China dahil sa diumano’y pagnanakaw ng US technology.
Nagpataw naman ang China ng 25 porsiyentong buwis sa maraming kalakal ng US, kabilang ang soybeans, aircrafts at autos. Dahil sa ipinapalagay na hindi makatuwirang ganti ng China, inatasan ni US President Donald Trump ang trade officials na ikonsidera ang $100 bilyon na karagdagang taripa sa China.
“There is a gonna be a negative impact on us and that’s why so we are very concerned about it,” paliwanag ni Sta. Romana.
Inaabaangan dito ang policy statements na ipapahayag nina Chinese President Xi Jinping at Philippine President Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng Boao Forum, idinugtong niya.
Kinumpirma rin ni Sta. Romana na tatalakayin sa Boao Business forum sa Hainan, China ang usapin sa South China Sea.
Ayon kay Sta. Romana, mayroon nang binuong special panel ng diplomat at mga academic experts na tututok sa isyu ng South China Sea.
Kasama sa panel ng China ang pinuno ng Center for South China Sea Studies at dating Chinese Vice Foreign Minister. Sa hanay Pilipinas naman makakasama si dating Energy Secretary Rafael Lotilla.
Hindi tinukoy ni Sta. Ana kung matatalakay din sa bilateral meeting bukas nina Xi at Duterte ang isyu sa South China Sea.