Mula sa Cover Media
NAKATULONG ang paghanga ni Angelina Jolie kay Queen Elizabeth sa pagbuo ng bagong documentary na The Queen’s Green Planet.
Sa British TV special, naglakbay ang aktres sa Namibia kasama ang kanyang anim na anak, upang bigyang pansin ang forest conservation sa Africa, at sa panayam na ipinakita sa pelikula, ibinunyag ni Jolie na may malaking epekto ang pagkikita nila ni Queen Elizabeth noong 2014, sa pagpunta niya sa rehiyon.
“For us to come here and say to the children, ‘This is why it’s important to plant a tree’..., that’s the biggest message I can teach my kids, and it’s something that they’ve certainly learned from Her Majesty and her message,” kuwento niya.
Nakasalamuha ng actress/humanitarian ang Queen nang binigyan siya ng parangal ng honorary damehood sa Buckingham Palace para sa serbisyo nito sa U.K. at global affairs. Ang relasyon ay ipinakita rin sa pelikula habang ginagabayan ni Jolie ang kanyang mga anak sa ekspedisyon.
Paliwanag niya, “They ask me, ‘Why is it so important to her?’ You know when you sit up at night in a tent with your kids and they say, ‘Why does the Queen of England care about planting trees in Africa?’”
“What it comes down to is you say to the kids, ‘You know really, you don’t know her, you can’t understand all that it means to be a queen and all that,” patuloy niya. “But you try to say, ‘You know she’s just this really lovely lady who really cares about people around the world, and she really cares about the future, and she wants your grandkids and her grandkids to be able to be running around, enjoying nature and other cultures, and the importance of other cultures’. She thinks that really matters and I agree with her.”
Binibigyang-pansin sa dokumentaryo, na eere sa U.K. sa Abril 16, ang environmental project na The Queen’s Canopy, isang proyekto na inilunsad upang pagkaisahin ang mga bansa sa pangangalaga sa mga kagubatan.