TINUPAD ng mga miyembro ng Philippine Army- Bicycology Shop ang naipangakong tulong sa mga kapwa sundalo nang magkaloob ng 10 bagong wheelchairs para mga pasyente ng Armed Forces of the Philippines Medical Center sa V. Luna, Quezon City.
Personal na dinala nina Army-Bicycology Shop rider Sgt. Alfie Catalan, Sgt. Merculio Ramos Jr., Agt. Alvin Benosa, Sgt. Reynaldo Navarro, Cpl. Lord Anthony del Rosario, Pfc. Marvin Tapic, Pfc. Kenneth Solis, Pfc. Chris Joven, at coaches SSG Paterno Curtan at SSG Jhomilodin Lucman, ang 10 wheelchairs, kasama sina Colonel John Divinagracia, PA Director and Brigadier General Roy T. Devesa, Camp Commander Phil Army.
“Our victory is theirs, too,” pahayag ni Philippine Army- Bicycology Shop team manager Eric Buhain. “And I’m very proud of this team who agreed to share their winnings to their brothers-in arms. Indeed, this is the spirit of the Araw ng Kagitingan”
Sa isang simpleng seremonya na sinaksihan ng mga kapwa sundalo at opisyal ng AFPMC, tunay na binigyan ng kahulugan ng koponan ni Buhain ang sakrispisyo ng mga sundalong Pinoy sa pagbibigay ng malasakit sa mga sugatang sundalo na nakibaka sa mga labanan para mapanatili ang demokrasya.
“Ang sarap po ng pakiramdam ‘yung makita mo yung kapwa mo sundalo na masaya kahit sa simpleng pamamaraan na naisip namin. Kumpara sa pinagdaanan nilang hirap sa mga bakbakan tulad sa Zamboanga at Marawi City, katiting lang kung ikukumpara yung hirap namin sa training,” sambit ni Pfc. Joven, who topped Stage 3 of the gruelling 12-stage bike marathon considered as the country’s premier bike race.
“Bago pa magsimula ang Ronda, nagkakaisa na kami na ibahagi an gaming makukuhang premyo sa aming mga kapwa sundalo. Sa susunod pong Ronda, mas huhusayan naming para mas marami pa kaming matulungan,” aniya.
Ikinalugod naman nina Brigadier Gen. Devesa at Col. John Divinagracia ang aksiyon ng Army-Bicycology Shop team na nararapat lamang hangaan at tularan bukod pa sa pagbibigay dangal sa Philippine Army sa larangan ng sports.