Ni ADOR SALUTA

NAGING bahagi ng It’s Showtime ang news anchor at knowledge expert na si Kim Atienza for years. Kaya marami ang curious sa kanyang pagkawala sa Kapamilya noontime show mula noong 2016.

Kim-Atienza copy

Wala namang naiuulat na dahilan ng kanyang pagkawala. Tinanggal ba siya, maysakit, o hindi na siya kailangan sa show?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa isang panayam, nagpahayag si Kuya Kim na nais niyang palawakin at makilala sa kanyang ‘knowledge expert ‘ brand.

“I left Showtime because I want to work on the equity that makes me strong as Kuya Kim and I’m Kuya Kim because the brand is Kuya Kim who gives trivia, Kuya Kim na pumalit kay Ernie Baron, the ‘Trivia King’ and I would like to focus on that,” aniya nang ma-interview ng ilang press people sa “Pinoy Komiks Heroes Battle” app launching powered by ABS-CBN and Xeleb Technologies.

Dagdag pa niya, sa kanyang pagkawala sa noontime show, nabigyan niya ng sapat na panahon ang two other shows niya sa Dos.

“If you noticed naman after I left Showtime my segment in TV Patrol is much stronger, I was able to put in more effort. And (with) Matanglawin I am able to travel now, nakapunta ako kay Whang Od (sa Kalinga). Ang tagal ko nang hindi nakaka-travel for Matanglawin, eh. Those shows strengthened Kuya Kim as the knowledge expert and as a brand,” paliwanag niya.

Pero binigyang-diin ni Kuya Kim na kung sakaling kailanganin uli siya sa It’s Showtime, masaya siya babalik. he would always be happy to come back.

“Showtime is just there. It’s not naman forever, kumbaga hindi naman ako nagpaalam. Anytime I’ll be needed, nandiyan lang ako,” aniya.

Nagkikita-kita pa rin sila ng mga dating kasamahan sa It’s Showtime ‘pag may panahon.

“‘Yung Showtime kasi, si Anne (Curtis) and the rest, talagang ano ‘yan, they are family to me, and I still see them naman even I’m not on Showtime, eh. That’s my consolation na lang even I’m not there everyday,” paglilinaw ni Kuya Kim.