Ni Czarina Nicole O. Ong

Hinihiling ni dating Senador Jose “Jinggoy” Estrada sa Supreme Court na ideklarang napagkaitan siya ng due process of law at equal protection of laws at utusan ang Sandiganbayan Fifth Division na ideklarang null and void ang inilabas na mga resolusyon at kautusan laban sa kanya.

Naghain siya ng second supplement sa petition for certiorari nitong Marso sa SC at sinabi na ang mga kasong inihain laban sa kanya ay “selective and politically motivated.”

Sa kanyang supplement, inireklamo ni Estrada ang katotohanan na ang Office of the President, Department of Justice (DoJ) at ang Office of the Ombudsman ay sinadyang umiwas sa pag-iimbestiga o paghahain ng kaso laban sa iba pang sangkot na personalidad sa Commission on Audit (COA) Special Audits Office Report dahil sila ay kaalyado sa politika ng dating administrasyon.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Tatlong taong nakakulong si Estrada dahil sa kasong plunder kaugnay sa umano’y ilegal na paggamit ng kanyang P183 milyon Priority Development Assistance Fund (PDAF), na inilipat sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim Napoles.

Ang plunder ay non-bailable offense, ngunit bumoto ang Sandiganbayan Fifth Division noong nakaraang taon na payagan siyang magpiyansa. Ang kanyang bail bond para sa plunder at graft ay umabot sa kabuuang P1,330,000 - P1 milyon para sa plunder at P330,000 para sa 11 graft charges.