UNITED NATIONS (AFP) – Hinimok ni US Ambassador Nikki Haley nitong Lunes ang United Nations Security Council na kumilos kasunod ng umano’y panibagong chemical weapons attack sa Syria, at nagbabala na handang tumugon ang United States.

Sinabi naman ng Russia na magkakaroon ng ‘’grave repercussions’’ ang US military strike laban sa Syria at idiniin na hindi nakumpirma ang paggamit ng chlorine o sarin sa pag-atake sa Douma nitong Sabado.

‘’We have reached the moment when the world must see justice done,’’ ani Haley sa emergency meeting sa UN headquarters sa New York.

Hiniling ng Britain, France, at United States at anim pang mga bansa ang emergency meeting kasunod ng balitang gumamit ng toxic gas sa Douma, ang bayang hawak ng mga rebelde, na ikinamatay ng 40 katao.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’History will record this as the moment when the Security Council either discharged its duty or demonstrated its utter and complete failure to protect the people of Syria,’’ aniya. ‘’Either way, the United States will respond.’’

Sinabihan ni Russian Ambassador Vassily Nebenzia ang US na hindi papayagan ng Moscow na malagay sa panganib ang kanilang mga puwersa sa Syria.

Nauna rito ay nagsalita si President Donald Trump sa Washington at nangako ng ‘’major decisions’’ sa loob ng ‘’24-48 hours’’. Hindi naman isinantabi ni Defense Secretary Jim Mattis ang pagkilos ng militar.