Ni Bert de Guzman
Hindi susuko si House Speaker Pantaleon Alvarez sa hangarin niyang maisabatas ang pagkakaroon ng diborsiyo sa bansa, sa kabila ng tahasang pagkontra ng ilang sektor, kabilang na ang mga senador at ang Simbahang Katoliko.
Marso 19 nang ipinasa ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang House Bill No. 7303, na layuning i-legalize ang absolute divorce sa Piliplinas.
Gayunman, limang senador ang kumontra sa kontrobersiyal na panukala.
Sinabi ni Alvarez na nakikipag-usap na sila sa mga senador para kumbinsihin ang mga itong katigan ang divorce bill.
Umaasa siya na maiintindihan ng mga senador ang “marriage dissolution and divorce law and the reality of the problem of increasing number of couples trapped in broken marriages.”
“In fact we have conducted several committee hearings on this measure, including those conducted abroad, and we have seen people crying, pleading with us to address their situation,” sabi ni Alvarez.