Mula sa Yahoo Entertainment

SAFE sigurong sabihin na hiwalay na sina Brooklyn Beckham at Chloë Grace Moretz.

Chloe

Nakunan ng litrato ang 19 na taong gulang na anak nina Victoria at David Beckham na nakikipaghalikan sa Playboy model na si Lexi Wood sa West Hollywood nitong nakaraang linggo. Dinala ni Beckham ang kanyang bagong napupusuan sa isang tattoo parlor, at ipina-tattoo niya ang imahe ng sexy pin-up model sa kanyang braso.

Tsika at Intriga

'2026 na, pa-victim ka pa rin?' Ex-gf ni Kokoy de Santos, nanindigang 'di siya nagloko

Kung kailan naghiwalay sina Moretz, 21, at Beckham? Hindi pa ito malinaw. Ang malinaw lang ay magkasundo pa sila nitong nakaraang buwan nang ipinagdiwang ni Beckham ang kanyang kaarawan, dahil nag-post si Moretz sa Instagram ng pagbati sa binata. Nag-post din si Beckham ng sweet tribute sa kaarawan ni Moretz nitong Pebrero.

Nagpahiwatig naman ang Neighbors 2 actress na maaaring may drama sa likod ng kanilang paghihiwalay. Nitong Linggo, ipinost ni Moretz ang bagong awitin ni Cardi B na Be Careful, na tungkol sa pangangaliwa, sa kanyang Instagram Story.

On and off ang relasyon nina Beckham at Moretz simula nang magkakilala noong 2014. Nagkaroon ng ugnayan ang dalawa sa Fashion Week sa Paris at nagsimulang maging magkaibigan hanggang sa maging magkasintahan. Una silang naghiwalay noong 2016, at nagkabalikan, pagkaraan ng isang taon.

Maaaring malaking dahilan ang pagiging malayo nila sa isa’t isa kaya sila naghiwalay. Naninirahan si Beckham sa New York City, kung saan nag-aaral siya ng photography sa Parsons School of Design. Nasa Los Angeles naman si Moretz dahil sa trabaho.

So, sino ang bagong girl ni Beckham na kanyang kahalikan? Siya ang modelong si Lexi Wood, 20, na lumabas na sa Playboy, Cosmopolitan Russia, at Vogue Japan. Sinabi niya sa GQ noong nakaraang taon na kung hindi siya naging modelo ay gusto niyang maging designer.

“I’ve always been really into fashion,” aniya. “I’m always taking the clothes I buy and customizing them to make them my own, so I would love to have the ability to make something from scratch.”

Kung magiging seryoso ang kanilang relasyon, at least mayroon silang mapapag-usapan ni Victoria Beckham.