SIMULA Abril 11, mapapanood na sa GMA-7 ang Bride of the Water God na pinagbibidahan ni Nam Joo Hyuk bilang Habaek, isang Water God na pupunta sa mundo ng mga tao para sa isang misyon.

BRIDE-OF-THE-WATER-GOD-TCARD

Para maging ganap na hari, hahanapin ni Habaek ang mga mahiwagang bato na makatutulong sa kanyang misyon at kakailanganin niya ang tagapaglingkod niyang si Lara (Shin Se Kyung) para rito. Si Lara ay isang neuropsychiatrist na takot sa tubig at hindi naniniwala sa supernatural.

Sa paghahanap niya sa mga bato ay papasok sa eksena si Henry (Lim Ju Hwan) isang CEO na interesado kay Lara.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Bubuntot naman kay Habaek ang long-time admirer niyang si Moora/Ciara (Krystal Jung), isang Water Goddess na sa sobrang ganda ay naging sikat na artista sa mundo ng tao. Eeksena rin si Biryeom/Charlie (Gong Myung) ang dating kaklase ni Lara sa college na isa rin palang Sky God.

Paano matutulungan ni Lara si Habaek sa paghahanap ng bato? Paano niya mapapaibig ang isang babaeng takot sa kanyang kapangyarihan?

Sundan ang kanilang kuwento sa Bride of the Water God tuwing Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng The One That Got Away sa GMA.