Ni Reuters

INASAHANG gagawa ng ingay ang A Quiet Place sa weekend box office, at nagkatotoo ito. Kumita ang Paramount Pictures’ thriller na idinirihe ni John Krasinski ng tumataginting na $50.3 million sa unang araw nito sa 3,508 mga sinehan. Sapat na ito para makuha ang ikalawang puwesto sa highest domestic opening ngayong taon, kasunod ng Black Panther, na ipinalabas noong Pebrero na tumabo naman ng $202 million.

Simula nang mag-debut sa South by Southwest, magagandang review ang natatanggap ng A Quiet Place. May rating ito ngayon ng solid 97 percent sa Rotten Tomatoes, na mayroong B+ CinemaScore.

“This much bigger than expected debut comes in an era of ongoing popularity for the horror genre that in North America alone last year generated over $1 billion in box office,” saad ni Paul Dergarabedian, isang media analyst sa comScore.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ipinagpasalamat ng presidente ng Paramount domestic distribution na si Kyle Davies ang tagumpay ng pelikula dulot ng positibong word of mouth kasunod ng SXSW.

“There was a lot of momentum going into the weekend that never stopped,” sabi ni Davies. “John Krasinski has emerged as an incredible filmmaker with a story that’s simple, but has clearly resonated with audiences.” Ang pumangalawa nitong weekend ay ang Ready Player One ni Steven Spielberg na kumita ng $25 million sa 4,234 lokasyon, ang ikalawang linggo nito, kaya kumita na ito ng kabuuang domestic gross na $97 million. Naging malakas na kalaban naman ang pelikula ng Warner Bros. sa ibang bansa, na tumabo na ng $294.4 million.

Isa pang weekend release ang pumangatlo sa box office, ang Blockers. Kumita ang R-rated comedy ng Universal— na idinerihe ni Kay Cannon at pinagbidahan nina John Cena, Leslie Mann, at Ike Barinholtz — ng $21.4 million sa debut nito sa 3,379 na mga sinehan. Naging maingay din ang Blockers mula sa SXSW, na nakakuha ng 83 percent sa Rotten Tomatoes at nang B CinemaScore.

“We could not be more pleased with the result this weekend,” saad ni head of distribution ng Universal na si Jim Orr. “Kay Cannon and her directorial debut knocked it out of the park. It really over performed.” Samantala, ang eighth frame ng Black Panther ay pumang-apat sa kinitang $8.8 million sa 2,747 sinehan. Domestically, tumabo na ang Marvel film ng $665.4 million, kaya ito ang itinanghal na third-biggest release of all time kasunod ng Star Wars: The Force Awakens at Avatar. Sa buong mundo, kumita na ang Black Panther ng $1.29 billion.

Pasok naman sa ikalimang puwesto ang I Can Only Imagine ng Lionsgate at Roadside Attractions sa kinita ng $8.4 million sa 2,894 na sinehan.