Ni Light A. Nolasco

PANTABANGAN, Nueva Ecija - Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at ng Municipal Environment & Natural Resources Office (MENRO) ang limang umano’y illegal logger nang tangkain nilang ipuslit ang mga kontrabandong kawayan sa Barangay East Poblacion, Pantabangan, Nueva Ecija nitong Sabado ng umaga.

Inaresto ng joint team ng Pantabangan Police at MENRO ang limang suspek na sina Alfredo Calanday, 67, may asawa, ng Bgy. Mayapyap Sur, Cabanatuan City; Marciano Robles, 30, ng Bgy. Caalibangbangan; Larry Boy Fernandez, 29; Edgar Quivasion, 48; parehong taga-Bgy. Villarica; at Warlito Viernes, 53, ng Bgy. Malbang, Cabanatuan City.

Paliwanag ng pulisya, naipuslit na sana ng mga suspek ang isang truck na kargado ng mga naputol na bamboo tree kung hindi sila naglatag ng checkpoint sa lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito