Ni Mary Ann Santiago

Sa rehas ang bagsak ng dalawang babaeng senior citizen makaraang makumpiskahan umano ng ilegal na droga sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Vicky Trinidad, 62, ng Masangkay Street; at Gloria Nocum, 60, ng Batangas St., Tondo.

Sa ulat ni Supt. Jerry Corpuz, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 7, naaresto ng mga tauhan ng Tayuman Police Community Precinct (PCP) sina Trinidad at Nocum, sa Batangas St. sa Solis, dakong 8:40 ng gabi.

Probinsya

Coast Guard, nag-abisong mag-ingat sa mga impormasyon tungkol sa MBCA Amejara

Nagsasagawa umano ng anti-criminality operation ang mga pulis sa lugar nang matiyempuhan ang dalawang suspek na kapwa may hawak umanong ilegal na droga at pinagdadampot.

Nakumpiska umano mula kina Trinidad at Nocum ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng 0.020 gramo.