Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan - Dalawa na namang bakasyunista ang naitala ng pulisya na nalunod sa Lingayen, Pangasinan, nitong Linggo ng hapon.

Ang bangkay ni William Daet, 34, construction worker at taga-North Fairview, Quezon City, ay nadiskubreng lumulutang sa baybayin ng Barangay Tambobong sa Dasol.

Bago pa nalunod, nahihilo umano si Daet ngunit lumusong pa rin, kasama ang mga katrabaho.

Probinsya

5 drug suspects, arestado matapos masabatan ng halos ₱2M halaga ng umano’y shabu

Nalunod naman si Rudy Esponja, 19, estudyante, residente ng Paniqui, Tarlac, nang mag-outing ang pamilya niya sa isang beach sa Nibaliw Vidal sa San Fabian.