Pagkasawi ng 15 sa youth hockey team, ipinagluluksa

NIPAWIN, Saskatchewan (AP) — Nagluluksa ang world sports community sa pagkasawi ng 15 miyembro ng youth hockey team mula sa Western Canada at pagkasugat ng 14 na iba pa nang banggain ng isang semi-trailer truck at bus na kinalulunan ng koponan nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Inilarawan ng sumaklolong manggagamot na na-asssign sa Syria ang aksidente na tila tinamaan ng airstrike bunsod nang pagkakadurog ng kabuuan ng bahagi ng bus.

Lungkot at pighati ang bumalot sa Canada, kilala bilang isang bansa na aktibo sa sports, nang mabatid ang malungkot na balita at ang sinapit ng mga miyembro ng Humboldt Broncos hockey team na patungo sa kanilang krusyal playoff game laban sa Nipawin Hawks.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

“An entire country is in shock and mourning,” pahayag ni Prime Minister Justin Trudeau.

“This is every parent’s worst nightmare. No one should ever have to see their child leave to play the sport they love and never come back.”

Lulan ng bus ang 29 pasero, kabilang ang driver, nang maaksidente dakong alas-5 ng hapon sa Highway 35, ayon sa ulat ng pulisya.

Ilan sa kinilala ng awtoridad sa mga nasawi sina Broncos head coach Darcy Haugan, team captain Logan Schatz at radio announcer Tyler Bieber. Naunang naiulat na nasa kritikal na kondisyon ang tatlo at kalauna’y naisama sa 15 kompirmadong patay.

Sa ulat ng pulisya, nauhuli ang driver nang bumanggang truck, ngunit kaagad ding pinalaya at isinailalim sa medical evaluation.

Nagpahatid ng pakikidalamhati si US President Donald Trump at sa kanyang Twitter ay nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng biktima.

“It’s a horrible accident,” pahayag ni Darren Opp, pangulo ng Nipawin Hawks, ang nakatakdang koponan na lalaban sana ng Broncos.

Kalunos-lunos naman ang pagsasalarawan sa aksidente ni Hassan Masri, emergency room doctor sa Saskatoon’s Royal University Hospital na umasikaso sa mga biktima. Aniya, maihahalintulad ang kaganapan sa kanyang nasaksihang airstrike sa Syria.

Iniimbistigahan na rin ng pulisya ang anggulo na mechanical o dulot nang ma-snow na panahon.

Ang Humboldt Broncos ay koponan mula sa maliit na lungsod sa Humboldt, Saskatchewan na may populasyon na 6,000.

“It’s overwhelming. It’s been tough on everybody,” pahayag ni Humboldt Mayor Rob Muench. “We’re a small community; some of those kids have been on the team for a number of years. A lot grew up in the community and everybody knows each other.”

Ang Saskatchewan Junior Hockey League ay junior ‘A’ hockey league na nasa pangangasiwa ng Hockey Canada na isang sangay ng Canadian Junior Hockey League. Bukas ito sa mga North American-born players na may edad 16 hanggang 20.