NAKASAMA ng Team 90s, sa pangunguna ni MVP Mamei Apinado, sina dating national coach Dulce Pante at ASC president Ed Andaya ng Batch 81 sa ERJHS
NAKASAMA ng Team 90s, sa pangunguna ni MVP Mamei Apinado, sina dating national coach Dulce Pante at ASC president Ed Andaya ng Batch 81 sa ERJHS "Battle of the Generations" volleyball championship kamakailan sa Brgy. Amoranto court. Hinirang na kampeon ang Team 90s.

TINANGHAL na kampeon ang Team 90s sa 2018 ERJHS Alumni Sports Club "Battle of the Generations" volleyball tournament.

Nagbida si Mamei Apinado ng Batch 94 para pamunuan ang Teams 90s sa 25-21, 25-20, 25-19 panalo laban sa Team 80s at makumpleto ang sweep sa best-of-five series sa Barangay N.S. Amoranto covered courts sa Malaya St., Quezon City.

Nagsanib puwersa sina Apinado, Lourdes Reyes, Jocelyn Igarta, Alvin Salazar, Rick Boy Pacaldo at Allen Gonzales ng Team 90s upang tapusin ang Team 80s sa kumpetisyon na itinaguyod ng ASC nina Ed Andaya ng Batch 81 at Zeny Castor ng Batch 70 sa pakikipagtulungan nina Quezon City Cong. Bingbong Crisologo, Councilor Onyx Crisologo at Brgy. Amoranto Chairman Von Yalong.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakipagsabayan sina Rica Alonsagay, Nini Villanueva, Helen Undag, Beng Samson, Alvin Estocapio at Pablo Mananghaya ng Team 80s' bago tuluyan mabigo.

Sa basketball, pakitang gilas naman si Jhoseph Magpantay ng Batch 95 na umiskor ng 29 puntos sa 76-68 panalo ng Team 90s laban sa Team 80s.

Si Choy Santiago ng Batch 99 at Jerry Santos ng Batch 93 ay nag-ambag ng tig 10 puntos, habang si Daniel Blysma ng Batch 93 ay may walong puntos para sa Team 90s, na may 2-1 bentahe na sa kanilang sariling best-of-five series.

Nanguna sa Team 80s sina Benjamin Baet ng Batch 89 at Vic de Guzman ng Batch 81, na may 20 at 18 puntos.

Hindi nakalaro si Ronald Carillo ng Batch 85, na nagpanalo sa Team 80s sa Game 2.

Maaari nang masungkit ng Team 90s ang titulo kung muling mananalo sa Game 4 sa Linggo, Abril 15.

Ang Game 5, kung kinakailangan, ay gaganapin sa Abril 22.

Iskor:

Team 90s (76) -- Magpantay 29, C. Santiago 10, Santos 10, Blysma 8, Paeng 7, J. Santiago 4, Lazaro 4, R. Nell 2, Capistrano 2.

Team 80s (68) -- Baet 20, V. De Guzman 18, Alvin Tanare 8, Geolin 6, Arnold Tanare 5, Sabando 4, Andaya 2, Cano 2, De Jesus 2, Mercado 1.