DAMASCUS (AFP) – Ilang katao ang namatay at nasugatan sa missile attack sa Syrian military airport, sinabi ng state media nitong Lunes, matapos balaan ng US ang Damascus at mga kaalyado nito kaugnay sa naunang pinaghihinalaang chemical attack sa isang bayan na hawak ng mga rebelde.

Nangyari ang air strike sa Tayfur air base sa central province ng Homs, habang tumitindi ang galit ng mundo sa pag-atake nitong Sabado sa kuta ng mga rebelde sa Eastern Ghouta.

‘’Several missiles hit the Tayfur airport. Our air defence systems are blocking the missile attack,’’ iniulat ng state news agency SANA kahapon ng umaga.

Idinugtong nito na ilang katao ang ‘’dead and wounded’’ sa strike, ngunit hindi nagbigay ng eksaktong bilang.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture