Ni REGGEE BONOAN
SA isang action scene ay hindi talaga maiiwasan ang aksidente at nangyari ito sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Jodi Sta. Maria at Richard Yap.
Nag-post si Robin nitong Sabado na naaksidente sa kinukunang eksena ang stuntman na dumobol sa kanya na ang pangalan ay Glen.
“Ito ang mga hindi inaasahan na sakuna sa loob ng mga action scene sa aming teleseryeng Sana Dalawa ang Puso.
Nasaktan si stuntman Glen sa pagganap niya bilang Leo,” saad ni Robin sa post.
“Lumagapak ang kanyang ulo sa cemento kaya’t kagyat sumigaw ng Medic ang cameraman na sina Mark at Bingbong dahil sumirit ang dugo sa noo niya kaya’t dali-daling inasikasong mabuti ng medical officer ang Stuntman. Mabuti at kumpleto ang emergency services ng ABS-CBN sa set kaya’t naitakbo siya sa hospital upang maisagawa ang mga test sa kanyang injury.
“Tunay na napakahirap ng buhay stuntman, sila na nasaktan sila pa ang humihingi ng dispensa sa naganap. Malalim na pagpupugay sa mga bayani ng Pelikula at Telebisyon.”
Umabot sa 3,183 ang nag-like sa pahayag na ito ng aktor at nasa 107 naman ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa naaksidenteng stuntman.
Nagpahayag ang ilan sa mga nabasa namin na sana ay doble ang bayad sa mga stuntman.
Mula kina, @nicadelrio18 @robinhoodpadilla, “dapat sila ang may double pay din!”
@graceramadabangkok, “Oh my kawawa naman.”
@missionjoserizal, “Get well soon po stuntman glen. I hope di na mangyari uli ‘yan, iwas sakuna! @ leo - bantayan mo c boss maam at nakuuuuu.”
@itsmemarionmae, “Omg. So sorry to hear idol. Sana nasa mabuti po syang kalagayan. Praying. Ingat po sa lahat sir Binoe.”
@buttsabangelbuttsab17, “Naiyak naman ako kaya dapat malaki bayad nila kasi delikado trabaho nila.”
@sol.leynes, “Ganyan talaga trabaho kailangan mo isakripisyo ang iyong sarili alang’alang sa iyong pamilya. Ibayong pag-iingat at dasal lang ang tanging kailangan.”
@itsme_cecille_05, “Naku ingat po. We only have one life to live. Keep it. Keep safe.”
@estelavictoriao, “Ano na kalagayan ng stuntman na naaksidente?”
curlypot332, “Ang hirap kumita ng pera?buwis buhay.”
@curlypot332, “Sana ok s kuya.”
@Jacklovefalcis, “MABUHAY ANG MGA STUNTMAN.”
@Maiwalill, “Sana mataas ang bayad sa kanila kasi ang hirap kapag buhay na ang nakasalalay.”
@norhana_mamingkas, “Naalala ko tuloy si Jackie Chan nu’ng grabi ‘yung iyak nya after how many years nagkita kita sila ng mga stuntman n’ya grabe pasalamat nya kasi di basta basta ginagawa nilang mga movies kaya minsan ‘yung ibang stuntman nadadala agad-agad sa hospital .”
@Teresitalampad, “How so sad to be an actor action. People thought actor and stress is easy but because they are popular. But deep inside the screen is not that easy to be an actor or actress. Otherwise I admire because each every one of us GOD gave us a talent... God bless all of you.”
@Ervincastro, “Salute to all stuntman and sa prod dahil hndi pinabayaan si kuya. Salute to all action stars.”
At take note, isa-isa palang binabasa ni Robin ang mga komento dahil nagla-like siya at nagpasalamat si @ervincastro, “Thanks sa like sa comment kuya @robinhoodpadilla. See you po sa ABS-CBN po.”
@vparadero, “Buwis buhay ang mga stuntman meron lang sila maipakain sa kanila pamilya nakakalungkot lang kasi sila pa ang may mabababang talent fee. Sana lang maiangat ang mga benipisyo at pa sweldo s kanila sa pamamagitan mo idol Robin tulungan mo sila sana ikaw ang maging daan dahil alam ng marami kung paano ka magpahalaga sa maliliit mo.kasamahan sa industria.”
Pinahahalagahan ni Robin ang stuntmen dahil ito ang unang trabaho niya sa showbiz bago siya naging Robin Padilla.
At naniniwala kami na tinulungan ng aktor si stuntman Glen pero tulad ng pagkakakilala namin sa kanya noon pa, hindi na niya ito kailangang ipangalandakan.