Ni Mina Navarro

Humirit ng P155.80 across-the-board daily wage increase ang anim na labor organization sa Central Visayas, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE).

Ito ay nang magharap ng petisyon sa Central Visayas Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang anim na grupong Cebu Labor Coalition, Lonbisco Employees Organization (LEO), METAPHIL Workers Union (MWU), NUWHRAIN-Montebello Chapter, NLM-Katipunan, at Union Bank Employees Association (UBEA).

Bukod dito, naghain din ng P120 across-the-board wage hike ang Associated Labor Unions-Trade Union of the Philippines (ALU-TUCP).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tiniyak naman ni DoLE-Region 7 Director Cyril Ticao, chairman din ng RTWPB, na bibigyan nila ng pagkakataon ang mga petitioner upang isalang sa public hearing ang nasabing mga kahilingan.

Isasagawa ang unang pagdinig sa Dumaguete City, Negros Oriental sa Huwebes, Abril 12, 2018, at kinabukasan, Abril 13, sa Tagbilaran City, Bohol.

Ang pangatlo ay sa Cebu City sa Abril 26, at ang panghuli ay sa Bogo City, Northern Cebu, sa Mayo 10.